HAPLOS | Syl and Marion | BAGUIO

share this

Syl and Marion, Talata Prenup🦉

Haplos

“Hindi maikukubli ng dilim,
Kutitap ng pag-ibig na taimtim.
Nang tumingin sa liwanag mo,
Imbis masilaw, mas nais pang sa’yo dumako.

Sa pagpikit ng mga mata,
Ikaw pa din ang nakikita.
Sa Maykapal, puso mo’y ipinanalangin,
Dahil sa bulalakaw ay ayaw na humiling.

Nagtugma ang araw, buwan, at tala.
Anoman ang hinaharap, ako ay handa na.
Pipiliin ang yakap at haplos mo.
Tayong dalawa, wala nang atrasan ‘to.”

IG @paperprojectphoto
www.paperprojectphoto.com

Jau Dhan Rimando
Hairstyle by Jiane