ISA | Pau & Jea | Manila

share this

Isa

Kumusta na?
Isang taon matapos ang sumpaan sa dambana,
Na tila napakabilis at lumagpas lang,
Tayo pa din ay nananatiling matibay at isa.

Akala ko, maraming magbabago.
Hindi pala; parang bahay-bahayan ating nilalaro.
Ngunit salitang binitawan ay hindi biro,
Panahon ang magsasabi, lahat ng pangako ay paninindigan ko.

Sabay natin harapin ang bukas,
Dito, sa akin, ikaw ay ligtas.
Wala mang kapaniguraduhan ang lahat,
Sa isa’t-isa, tayo ay mananatiling sapat.

IG @paperprojectphoto
www.paperprojectphoto.com