HIWAGA | VJ & Marga | Escolta, Manila

share this

Hiwaga

“Lumapit, kumapit.
Ito na tayo, huwag kang pipikit.
Nagniningning, matingkad pa sa mga tala,
Tayo ay puno ng hiwaga.

Pag dampi ng iyong balat, aking inaabangan,
Hindi na makapag hintay, habambuhay ika’y alagaan.
Sa tibay mo, kahit parang hindi naman kailangan,
Pero sa lahat ng sandali, ako ang iyong sandigan.

Abutin natin kahit mukhang imposible, posible.
Kung mahulog man, sasaluhin ka, hindi bale.
Tiyak na ikaw, sa bawat galaw, aalalay.
Sa lakbaying ito, hindi ako aayaw.”

 

Raconteur Films
Makeup by Nikki Betos
Kiss The Girl Events
Vhee Co