PINTA | Jepoy & Astrid | Manila

“Buhay natin parang paggawa sa isang obraGaling sa wala, unti unti nagkaroon. May kanya kanyang kwentong hindi mabuburaNapupuno ng kulay sa pagdaan ng panahon. Bawat guhit may kahulugan, lahat ng kumpas iniingatanPalagi sa ikatlong palapag ika’y sasamahanMaging sa hirap at ginhawa manMahal, hindi kita iiwan.” The PaperProjectIG @paperprojectphotowww.paperprojectphoto.comWhite Noise Creative Space

HILING | Dwayne & Bernadette | Tagaytay

“Diwa’y nagising.Mga mata’y nag ningning.Lahat nag iba nang ika’y dumating.Ikaw pala ang tangi kong hiling. Sabay hinanap ang tadhana.Lahat kakayanin basta kasama ka.Isang dosenang taon, tayong dalawa.Sa puso ko ika’y nag iisa.” The PaperProjectIG @paperprojectphoto Styling by Yvonne Camay | Makeup By Edward Pascual | Zenith Events Management PH | Thal Ruin Photography

IHIP / GALAW / KULAY | Franco & Julie | Tanay

“Hinayaang ang ihip ng panahon na ika’y sa akin ay dalhin Mahalin ka’y pinili Hindi pinilit, ni hindi inakala Inspirasyon sa tuwina ay ikaw Kaya sa araw araw ay mukha mo ang nais matanaw Ngayon tayo’y narito, Walang pagsisisi at walang alinlangan Anomang balakid ating lalagpasan Magkasama magpakailanman.” The PaperProject IG @paperprojectphoto www.paperprojectphoto.com Roadtale

SIMULA | Richard & Kristina | Tagaytay

“Sa hinaba haba ng landas na tinahak Paikot ikot man, at pagkatagal Sa layo, sa lungkot, sa duda, sa pananabik Pagmamahal mo ang kinapitan, ikaw ang tanggulan Ito’y hindi wakas, kun’di simula ng bagong kabanata Bagong yugto nating dalawa” The PaperProject IG @paperprojectphoto www.paperprojectphoto.com Aceron Studios | Yanilea Laguidao | Jhazz Marquez

AKING TAHANAN | Renan & Joella | Tagaytay

“Gaya ng pagikot ng mundoPagtangi sa’yo ay walang hangganHindi napapagodWakas ay malaboPagsintang wagas ay hindi maglalahoDumadaloy kung paanong ang tubig sa ilog ay sa dagat ang tungoNa kahit ang daanan ay batuhanGayon din ang hinaharap natin na hindi man tiyakPalaging ikaw lang ang uuwian” The PaperProjectIG @paperprojectphotowww.paperprojectphoto.com Nini Marquez (Make-Up Artistry By Nini)

MANATILI | JM & Kat | Tanay

“Sa lawak ng mundong ginagalawan natinNais ay ikaw pa rinAng bawat saglit na ika’y hindi kapilingIisa lamang ang tanging hilingSana’y ako na ay magwagiAt sa buhay ko, ikaw ay mamalagi” The PaperProjectIG @paperprojectphotowww.paperprojectphoto.com Aceron Studios | Make up by Joan Kim Tuazon

PAYAPA | Sab & Paolo | Batangas

“Huni ng mga ibon sa isang panibagong umagaMga buhangin na sadyang sumisiksik sa aking mga paaHabang hawak-kamay tayong naglalakad sa dalampasiganAko ay iyong sinulyapanNang parang biglang dinampian ng mga tala itong mga labiTuloy ako ay napapaindak sa iyong tabiKapayapaan na ngayon lang naranasanO ako ay iyong huwag bitawan” The PaperProjectIG @paperprojectphotowww.paperprojectphoto.com MakeUp and MakeArt by […]

HILING | Jeck & Jam | Baguio

“Giliw, ilang ulit man tayo itumba ng mundo, o ng mga pagkakataonO ng mga pagkakamali at hindi pagkakaunawaanTulad ng buhay ko, bumangon tayo ng paulit ulit.Magkasabay. Magkasama. Limutin ang takot at lumbaySumayaw sa saliw ng tibok ng ating mga pusoUmaraw man o umulan.Sana’y alam mo, mahal kita. Walang iwanan. Peksman.” The PaperProjectIG @paperprojectphotowww.paperprojectphoto.com

KAHIT SAAN | Mark & Janina | Hong Kong

“Iikutin ko ng paulit ulit ang daigdig.Basta’t ika’y kasama, aki’ng iniibig,Sabay tayo’ng kumawala, anoman ang sabihin nila.Yakapin ang bawat saglit,Lasapin ang sarap ng sandali.Tayo ay nandito ngayon.O ang ligaya sa habang panahon.” The PaperProjectIG @paperprojectphotowww.paperprojectphoto.com