“Naaalala ko pa,
Hiwagang sa dami ng taong nakakasalamuha,
Sa akin, ikaw ang tumatak.
Para bang ako ay iyong hinatak.
Ngayon, basang-basa na kita.
Lahat ng ngiti at tingin mo, alam ko na.
Kahit pa sa’yo ay madami pang tutuklasin,
Inaabangan ko ‘yon, lahat aking tatanggapin.
Lumipas man ang panahon, ito ang nais,
Mahawakan at hagkan ka sa bawat sandali.
Maging katipan mo sa buhay na ito ay labis,
Asahan mong ako ay sa iyo, palagi.”