Author: admin

03 Jan

M A P A L A D | Philip X Mariz | TAGAYTAY

“Milyon milyong tao sa mundo, tayo ay pintagpo.”
 
Phillip & Mariz, a Talata Prenup 🍂🦉
 
Mapalad
 
“Hindi na mangungulila,
Yakap mo’y habambuhay nang madarama.
Kagalakan na ikaw ay alagaan,
Buhay mo’y binibigyan ako ng dahilan.
 
Ang dami ng tao sa mundo,
Pero ikaw lang ang gusto ko.
May iba-ibang landas,
Ngunit hindi makakalimutan ang papunta sa’yo.
 
Noon, kalkulado ko ang bawat segundo,
Bawat galaw, bawat anyo.
Ikaw at ako, kasama sa mga mapapalad,
Ito, ganito, tayo lang ang tanging hangad.”

IG @paperprojectphoto
www.paperprojectphoto.com
 
 
 
26 Oct

K A L S A D A | Ivan X Rickey | MANILA

We met Ivan and Rickey when we posted our studio in a social media group. Apparently, their office is in the same building as ours! Who would have thought, right? They are a part of Kalsada Coffee, a team who’s re-introducing Philippine coffee to this generation and the ones ahead. We did one of their branding shoots; they weren’t engaged yet, but that’s where our friendship with them started. Now, they have Escolta Coffee Company, engaged, and as happy and content as ever!
FUB peeps represent! 🍂🦉

Ivan & Rickey, a Talata Prenup

Kalsada

“Ang pag gawa ng kape ay isang mahabang proseso.
Parang tayo lang ano?
Malamang hindi na mabilang na kuwento.
Ang natunghayan nitong mga baso.

Matamis, mapait, kahit ano pa ang iyong timpla.
Mainit, malamig, sasamahan kita.
Panigurado, palaging matapang,
Palagi, handa kang ipaglaban.

Mula hilaga hanggang kanluran,
Paborito ko pa din ang Kalsada kung saan ka natagpuan.
Lahat ng butil ng buhay, ating pagsaluhan.
Buong puso, sa’yo lamang nakalaan.”

www.paperprojectphoto.com
IG @paperprojectphoto

Pauline Anne Macapagal
Escolta Coffee Company
White Noise Creative Space
The Den
Kalsada

14 Sep

U M A A P A W | Carlo X Erika | MANILA / ALABANG

“Ang tagal na kitang kasama,
Nasasabik pa din sa bawat umaga.
Lahat ng baso ng kape na ikaw ang nagtimpla.
Kilig umaapaw, sobra.

Mapunit man ang pantalon,
Asahang ako ay nandoon.
Bumilang pa ng ilang taon,
Hindi ba ang ganda kung nasaan tayo ngayon?

Sa bawat byahe, malungkot at masaya,
Buhay pala ay hindi isang karera.
Minsan mabagal, nakakalito, pasikot-sikot.
Pero kalma, sa passenger seat ikaw ay nag-iisa.”

www.paperprojectphoto.com
IG @paperprojectphoto

Imbitado Events
White Noise Creative Space | Escolta | Karrera Showroom

10 Sep

P I K I T / D A M P I | Ralph X Gel | MANILA

“Pumikit at ating makikita ang paraiso.
Mga araw, oras at taon na sa iyo lang iaalay.
Sa buong kalawakan, tayo pa pinagtagpo.
Nakuha ang pangarap buhat ng ika’y nakasama.
Nakakamangha hindi ba?


Dampi ng mga kamay, sinag ng aking buhay.
Humiling ng kaakbay, binigay ay pang habang buhay.
Sumali sa aking panaginip at nawala.
Nawala ang lumbay at dumapo pawang kasiyahan.”


www.paperprojectphoto.com
IG @paperprojectphoto

White Noise Creative Space

10 Sep

S A Y A W | Enzo X Tracy | Baguio

“Nagtagpong mga kamay, umalalay.
Mga matang pilit na humihimlay ay nabuhay.
Sinabayan ang ikot hanggang makalimot.
Ating mundo’y namumukod tangi.


Sa bawat lugar na ating napuntahan, umaangat.
Mga tala tila naging tugma.
Mga daan tila humulma sa ating unang sayaw.
Halika aking mahal at sumabay.


Ikot, ikot, ikot.
Tayo na’t lumibot.
Hinto, hinga, takbo.
Wag titigil at lumingon sakin, “AKIN””


www.paperprojectphoto.com
IG @paperprojectphoto

Notion in Motion | Joan Quizon MakeUp

07 Jun

I M B I T A S Y O N | Ron X Athena | MANILA

“Nagsimula sa imbitasyon na nauwi sa relasyon.
Walang humpay na paglalakbay satin naghihintay.
Maglakbay sa aking isip na ikaw lang ang nais.
Doon tayo sa kung saan makulay ang ating magiging buhay.

Isang rebelasyon sa mundo ang ating hinayag.
Sa bawat salita sila’y namangha.
Hindi inaasahan ang aking kagalakan.
Sa sining lang pala kita matatagpuan.”

IG @paperprojectphoto
www.paperprojectphoto.com

03 Jun

G U N I T A | Dom X Erika | ALABANG

“Hindi pagtatapos kun’di pagsisimula.
Bagong yugto at mga kabanata.
Sa lahat, hindi pa din makapaniwala.
Kay tagal pinangarap, kaya mula ngayon ako sa’yo ang bahala.

Habang naglalakad ka papasok ng simbahan, nakita ko ang lahat.
Sa panibagong umaga, tayo ay mumulat.
Pinakamadaling mga salita aking binitawan.
Pangako na habambuhay ka ilalaban.

Ibinigay ka ng Maykapal.
Sana’y mga sandali ay bumagal.
Kasiyahan mo’y kagalakan ko.
Ako ay palaging sa iyo, irog ko.”

IG @paperprojectphoto
www.paperprojectphoto.com

Jason Magbanua | Shayne Ganalon Events Management | Palazzo Verde | Terence Buenaventura | Makisig By Groom Me Weddings | Banggo Niu | Paulo Lazaro | Weddings&Motifs | made speciALI | k. by cunanan catering | Amelia Blossoms | Arlene Arzadon Maruyama

13 Mar

P A N I N G I N | Enzo X Tracy | BAGUIO

“Hanggang saan makakarating ang pag-ibig mo para sa akin.
Sa araw, sa buwan, at sa mga bituin.
O ‘di kaya’y sa mga lugar na inaabot ng ating paningin.
Basta’t alam ko, sa lahat ng ibayo na tayo ay dadalhin.

Sa mga dinaanan, ikaw pala ang tatambayan.
Sa hirap at ginhawa, palaging dadamayan.
Tayong dalawa sa isa’t isa manahan.
Kailanman hindi ka bibitawan.”

IG @paperprojectphoto
www.paperprojectphoto.com

Notion in Motion
Makeup By Krizia Guevara